Official Facebook Page

Advance Pointing Tip: Stress Management ng Manok at Adrenalin Rush

Gallos Finos Gamefowl Supplies Official Lazada Store


Ang stress management ay isa sa mga aspekto ng pointing. Ang iba – pahinga, carboloading, at pagkontrol ng body moisture – ay natalakay na natin.  Ang stress ay tension na bunga ng pagkagipit o ng isang panibago at nakakaibang karanasan.

Ang stress ay hindi maiiwasan kaya gawin nalang nating itong makabuluhang kasangga. Ang stress ay isa din sa dahilan upang ang katawan ay makakaranas ng “adrenaline rush”  na makakatulong sa manok natin.

Ang stress ay tensyon na sanhi ng kagipitan o hindi pangkaraniwang kalagayan na mararanasan ng manok. Ang katawan ay may likas na depensa sa mga ganitong pagkakataon.  Sa pagkakataong ma stress ang manok ang katawan ay maaaring makaranas ng tinatawag na “adrenaline rush”, o magpalabas ng hormong adrenalin.

Complexor Vitamin B-Complex


Ang adrenalin ay isa sa mga panlaban ng katawan sa oras ng kagipitan.  Ang adrenalin ay hormone sa katawan na sanhi ay pagpalabas ng kakaibang lakas, bilis at tapang bilang likas na depensa ng katawan sa bingit ng panganib o kagipitan.

Halimbawa, kung tayo'y hinahabol ng kalaban na may dalang itak, diba napakabilis nating tumakbo? Kung habulin kaya tayo ng isang aso di kaya natin madaling maakyat ang pinakamalapit na punongkahoy?  Kung may sunog, ang lakas nating magbuhat ng mga mabibigat na bagay na hindi nating kayang buhatin kung wala ang panganib.

Ang masidhing bilis at lakas na mararanasan ng manok ay sanhi ng daloy ng hormong adrenalin sa katawan.  Hindi lang bilis at lakas, maaari pang pati tapang ay pinasisidhi ng adrenalin. Kaya nga ito tinatawag na flight or fight hormone.

May mga pagkakataon na kahit anong panganib ay sinusuong natin kapag gumagana na ang adrenalin. Halimbawa nito ay ang mga sundalo sa digmaan nagtataglay ng kakaibang tapang at lakas sa gitna ng putokan at bakbakan.

Paglipas ng adrenalin   


Habang gumagana ang adrenalin sa katawan, makakaranas ang manok ng naiibang bilis, lakas, at iba pang pisikal na kakayahan. Dahil nga ang hormong adrenalin ay likas na depensa ng katawan laban sa nagbabantang panganib.

Kailangan ng katawan upang makaiwas o malabanan ang anumang bantang nakaabang. Ngunit paglipas naman ng pagdaloy ng adrenalin ay pagod at katamlayan naman ang papalit.

Dito sa adrenalin rush nakasalalay ang buong konsepto ng stress management. Ang hangarin natin ay ang maitakda ang adrenalin rush sa tamang oras – ang oras ng laban. Kaya ang lahat ng ating gagawin, habang palapit ang oras ng laban, ay nakatuon sa layuning ito. Ito ang buong prinsipyo ng stress management.

Derby Pills Gamefowl Pointing Supplement







Advance Pointing Tip: Carbo-loading


Ang carboloading ay ang pagbawas sa porsiento ng protina at pagdagdag naman sa porsiento ng carbohydrates sa pakain.

Sa lahat kasi ng pagkaing masustansya ang carbohydrates ang may pinakamataas na bahagdan ng enerhiya na pinakamabilis magamit ng katawan.  Subalit hindi basta basta lang ang pagbigay natin ng carbohydrates sa manok lalo na't kung malayo pa ang laban. Dahil ang carbohydrates na hindi nasusunog ng katawan upang maging enerhiya ay nagiging fats o taba.

Ang taba ay ang magsisilbeng reserba ng katawan upang magamit kung sakaling kakailanganin.  Ayaw nating tumaba ang ating manok. Kaya sa malayo pa ang laban ay di natin binibigyan ng maraming carbohydrates. Mas kailangan ng manok ang protina kaysa sa carbohydrates kung malayo pa ang laban, dahil ang protina ang nag dedevelop ng muscles.

Kaya itakda natin sa wastong panahon ang pagcarboloading. At, ito'y kung malapit na ang laban. Untiunti ang pag-carboload. Umpisahan natin ito sa pakain sa hapon dalawang araw bago ang laban. Ang ating halo sa pagkakataong ito ay 80% ng nakasanayang pakain at 20% cracked corn.

Isang araw bago ang laban sa umaga 60% ang nakasanayang pakain at 40% cracked corn. Sa hapon 40% na lang ang dating pakain at 60% na ang cracked corn. Kinabukasan ay araw na ng laban.   

Advance Pointing Tip: Pagkontrol ng Body Moisture ng Manok


Kailangan kontrolado ang body moisture o ang pagkabasa ng katawan ng manok kung ito'y ilalaban. Ang sobrang tubig sa katawan ay pabigat at sagabal sa pagkilos ng husto. “Dryness for sharpness”, wika ng mga Amerikanong bihasa sa pagmamanok.  

Subalit, tulad ng ano mang bagay, kung sobrang tuyo naman ang katawan, ito'y nakakasama dahil mawawalan ng lakas ang manok. At katulad ng sobrang basa ang katawan, ang manok na sobrang tuyo ay masamang mag “cut” at hindi madaling makapatay.  

Ang pagkabasa ng katawan ay maaaring maitakda sa uri ng pagkain na ibibigay at pagkontrol ng tubig na pinapainom. Halimbawa ang puti ng nilagang itlog ay nakakadagdag ng body moisture. Ganoon din ang karamihan sa mga prutas. Ang pellets naman ay pangpatuyo.  Tuktukang maige ang body moisture sa panahon ng pagpatuktok.   

Praktikal lang ang pagkontrol ng moisture. Kung sobrang basa, huwag bigyan ng pagkain na makakadagdag basa, at limitahan natin ang tubig na pinapa-inom. Sa malayo pa ang laban ay babad ang tubig at hinahayaan natin ang manok na uminom hanggang sawa. 

Pag palapit na ang laban ay kinukontrol na ang tubig. Ang ibang tagapagkundisyon ay inuumpisahan nilang kontrolin ang tubig dalawa o isang araw bago ang laban. Tayo sa araw ng laban kinukontrol ang tubig. May tiwala tayo sa manok, na alam nito kung ano ang mas nakakabuti sa kanyang sariling katawan. 

Sa araw ng laban ay dapat pakialaman na natin ang manok kasi hindi kailanman alam o maiisip ng manok na may laban siya at dapat kontrolin ang pag-inom.  Kung tuyo naman ang katawan, bigyan ng pagkain na makakadagdag moisture tulad ng puti ng itlog at prutas. At huwag limitahan ang tubig, maliban sa araw ng laban. 

Advance Pointing Tip: Two Days Bago ang Laban



Dalawang araw bago ang laban ay umpisahan nang ilagay sa kulungan ang mga manok upang makapagpahinga ng husto. Bandang alas 9 ng umaga ay ipasok na sa kulungan. Ilabas sa limber pen bandang 11:330AM upang mapagmasdan ang galaw at body moisture.

Ilagay natin sandali sa scratch box, mga 3-5 minuto, bago ibalik sa kulungan. Bandang alas 3 ng hapon, kung kailan malamiglamig na ang araw, ilabas natin sila sa tie-cord.

Kinagabihan turukan ng 0.4 ml na Vitamin b12 na may iron.  Isang araw bago ang laban ay di na natin ikinakahig at isinasampi ang manok. Pailawan lang at palakadlakarin sandali sa umaga.

Isang oras pagkatapos pakainin at painumin ay ipasok na sa kulungan. Sa pagkakataong ito ay takpan ng tela ang kulungan upang medyo madilim sa loob at makakapagpahinga ng husto ang manok.  Ilabas sa tanghali at obserbahan.

Ibalik sa kulungan at takpan uli. Ilabas sa oras ng pagpakain. Kinabukasan ay araw na ng laban. 

Advanced Pointing Tip: Selection and Preparation


Pitong araw bago ang laban ay ihanda na ang mga panlaban para sa pointing stage. Turukan ang bawat isa ng 0.4 ml na gamot na Vitamin B12 na may Iron. Sabay unti-unting pag-alis sa pula ng itlog at atay sa pakain upang dahan-dahang bumaba ang bahagdan ng protina. Dahil di na maglalaon ay uumpisahan na natin ang carboloading o ang pagdadagdag ng bahagdan ng carbohydrates sa pakain kung ihahambing sa bahagdan ng protina.

Anim na araw bago ang laban ay hindi na natin masyadong pinapagod ang manok. Hayaan nalang natin ito buong araw sa conditioning pen o kaya'y sa tie-cord na nasa lilim. Limang araw bago ang laban, ibitaw natin ang mga manok.

Ito ang magsisilbeng huling pagpili o final selection kung alin-alin ang karapatdapat nating ilaban. Piliin ang mga manok na sa palagay natin ay makakarating sa tuktok ng pisikal at mental na kundisyon pagdating sa araw at oras ng laban.

Kinaumagahan, apat na araw bago ang laban, ay paliguan ang mga napiling manok ng shampoo na nakakapatay ng hanep at kuto. Patuyuin sa init ng araw. Sa panahong ito'y paunti ng paunti ang ating ehersisyo.

Sa apat at tatlong araw na lang bago ang laban ay iwasan na natin ang pagpagod sa mga manok.  Siguro palakad at kaunting kahig sa umaga, at scratch box sa tanghali. Sa mga araw na ito ay mahabahaba ang panahon na ang mga piling panlaban ay nasa pointing pens sa halip na nasa conditioning pens o sa fly pens.

21 Days KEEP ng Manok

Lazada Gamefowl Supplement Store Preconditioning Phase DEWORM  Astig Tablet - 1 Tablet (5:00 in the morning)  Oxy Rid - 1 Drop per eye  DELO...

Derby Pills Official Store