Pitong araw bago ang laban ay ihanda na ang mga panlaban para sa pointing stage. Turukan ang bawat isa ng 0.4 ml na gamot na Vitamin B12 na may Iron. Sabay unti-unting pag-alis sa pula ng itlog at atay sa pakain upang dahan-dahang bumaba ang bahagdan ng protina. Dahil di na maglalaon ay uumpisahan na natin ang carboloading o ang pagdadagdag ng bahagdan ng carbohydrates sa pakain kung ihahambing sa bahagdan ng protina.
Anim na araw bago ang laban ay hindi na natin masyadong pinapagod ang manok. Hayaan nalang natin ito buong araw sa conditioning pen o kaya'y sa tie-cord na nasa lilim. Limang araw bago ang laban, ibitaw natin ang mga manok.
Ito ang magsisilbeng huling pagpili o final selection kung alin-alin ang karapatdapat nating ilaban. Piliin ang mga manok na sa palagay natin ay makakarating sa tuktok ng pisikal at mental na kundisyon pagdating sa araw at oras ng laban.
Kinaumagahan, apat na araw bago ang laban, ay paliguan ang mga napiling manok ng shampoo na nakakapatay ng hanep at kuto. Patuyuin sa init ng araw. Sa panahong ito'y paunti ng paunti ang ating ehersisyo.
Sa apat at tatlong araw na lang bago ang laban ay iwasan na natin ang pagpagod sa mga manok. Siguro palakad at kaunting kahig sa umaga, at scratch box sa tanghali. Sa mga araw na ito ay mahabahaba ang panahon na ang mga piling panlaban ay nasa pointing pens sa halip na nasa conditioning pens o sa fly pens.
No comments:
Post a Comment