Namamayat, nanghihina at namumutla? Kapag laging ganito, baka mauwi lang sa lahat ang pinakain nyo sa kanila. Ito ang masamang epekto ng bulate sa katawan ng manok. Ano ang dapat nating gawin at saan ito nakukuha?
Ang mga sisiw sa range ay madaling
makakuha ng bulate sa kanilang pagkain at inumin. Maraming klase ng
bulate. Sa mga sisis, ang kadalasang umaatake ay roundworms, tape
worms, cecal worms, gape worms, gizzard worm, at thread worm. Ang mga
bulate ay sumisipsip ng sustansyang dapat ay para sa ating mga manok.
Kaya imbis na nakikinabang ang manok sa sustansya ng kanilang
kinakain, bulate ang lumalake.
Gallos Finos Gamefowl Supplies Online Store |
Ating irerekomenda ang pagpupurga
minsan sa 1 buwan para sa mga sisiw sa range, at tuwing 1 o 2 buwan
naman sa mas may edad na manok. May iba-ibang klase ng pagpurga. Ito
ay depende sa edad ng manok at depende sa klase ng bulate.
Kung sisiw ang pag-uusapan, Bastonero ang sagot dito. Pwede din gumamit ng Vermex ECO. Ang VERMEX ECO ay Piperazine Citrate in granular
form. Ito ay mabisang panlaban sa mga bulate sa mga sisiw sa range
particular na ang roundworms.
Maghalo lamang ng 1 hanggang 3 teaspoon
Vermex Eco sa 1 gallon na tubig sa loob ng 2 araw sa mga sisiw sa
kanilang edad 3 weeks, 2 months at 3 months. Importante na bagong
templa ang ipaiinon sa kanila.
Para sa mga manok na may edad 4 buwan
hanggang 5 buwan, Tape Terminator ang sagot dito. Ang Tape Terminator
ay pinagsanib na lakas ng Praziquantel at Levamisole Hydrochloride.
Epektibo kontra tapeworm, cecal worm, gapeworm, gizzard worm at
threadworm.
Para sa mga sisiw na may edad 2
hanggang 3 buwan, maghalo ng 2 teaspoon sa isang gallon tubig. Ibigay
sa 2 magkasunod na araw. Para naman sa mga manok na may edad 4
hanggang 5 buwan, maghalo ng 3 teaspoon sa isang gallon tubig at
ibigay sa loob ng 2 magkasunod na araw. Purgahin sila buwan-buwan.
Ang mga bulate ay peste. Dapat gawing
regular ang pagpupurga sa farm.
No comments:
Post a Comment