Tatlong araw bago ang laban
Kailangan meron kang flypen na may bobong or maliit na kwarto na pwedeng pagalawan sa inyong manok panabong na hindi sila mababasa.
Siguradohing walang sablay sa pakain. Obserbahan kung malakas itong kumain na kung saan maririnig mo ang pagtuktok sa breeding cap. Sign ito na walang problema sa appetite.
Dalawang araw bago ang laban
On keeping, bawat 2 to 3 hours ibaba ang manok panabong at obserbahan ang galaw nito. Huwag mong hayaan na makukulong lang ang manok sa keeping pen mo.Bukahin ang katawan at i-stretch. Pagalawin para ihanda ang mental state ng manok sa laban (mind conditioning). Sa ganitong paraan ma-agitate mo ang manok para maging handa sa araw ng laban.
Sa araw ng laban
Huwag muna pakainin ang manok bago bumiyahe sa sabungan. May tendency itong hindi magtunaw at magtatae dahilan upang manghina sa laban. Kung may laman ang butse, may tendency din itong hindi aangat.Huwag mag alala sa energy level at power ng manok mo sapagkat meron pa itong energy reserves na galing sa huling pakain at sa supplements na bigay mo. Ang energy reserves ay magagamit pag nag release ng adrenalin ang manok sa gitna ng laban.
Siguraduhin lang na nakainom ito ng sapat na tubig.
Pagdating sa sabungan, tantyahin kung gaano pa katagal ang ulot at laban at magbigay ng pakunti kunting pakain (5 grams) two hours bago ang aktwal na laban. Maigi din magpakain ng hinog na mangga (i-slice ng sinlaki ng mais) para sa dagdag na energy.
Iwasan din ang sobrang agitation (galit) ng manok tuwing nagbibitaw para mapananitili nito ang focus.
Magbigay ng Derby Pills 21 days bago ang laban.
No comments:
Post a Comment