Ang ibig kasing sabihin ng mga Amerikano sa paggamit ng salitang pointing kung ang manok ang pagusapan ay “peaking.” Ang pagdala sa manok sa tuktok ng kakayahan. Ito ang hangad natin sa pagpatuktok, ang marating ng manok ang tugatog o tuktok ng kakayahang pisikal at mental sa mismo oras ng laban.
Ayon sa nakasanayang katuturan o depinesyon, ang pagpatuktok ay ang pagpapahinga, pagkontrola ng tubig sa katawan ng manok at timbang, at carboloading. Sa atin, ang pointing ay simpleng stress management lang.
Sa ating conditioning pyramid, ang pagpatuktok ay sa araw ng laban lang. Ngunit ang proseso ng stress management at energy priming any nagsimula ilang araw bago ang araw ng laban, na sakop sa tinatawag natin na peaking period.
Kaya ang layunin sa pag pamamahala natin sa stress, ay hindi ang pagiwas nito, dahil sa sabungan, sa dami ng tao, ingay at nakakaaibang kapaligiran, hindi maiiwasan na makakaranas ng stress ang manok. Ang gusto natin ay ang itaon ang stress at pagbugso ng adrenaline sa panahon ng paglalaban. Hindi natin maiiwasan ang stress. Gamitin nalang natin.
Derby Pills |
No comments:
Post a Comment