Kapag hindi ito maagapan, maaring
tamaan ang buong populasyon ng iyong manukan. Saan galing ang mga
sakit na ito? At paano natin ito maiiwasang kumalat?
Ang avian malaria ay sakit na dulot ng
plasmodium gallinaceum na nakukuha sa kagat ng infected na lamok.
Kung manok ay:
- Namumutla
- Nanghihina ang paa
- Nanunuyot ang binti at paa
- Maberde o brownish ang kulay ng ipot
Isa lamang ang ibig sabihin nyan. May
malaria ang manok na iyan.
Bukod sa avian malaria, may isa pang
sakit ang dapat nating iwasan ay ang coccidiosis. Ito ay dala ng
coccidia na nakukuha sa infected na pagkain at tubig.
Mga sintomas ng coccidiosis:
- Namamayat
- Walang gana
- Lulugo-lugo
- Nagkukumpulan
- Maduming balahibo sa puwet
- Matubig o may dugong ipot
Ang epektibong gamot ng avian malaria
at coccidiosis ay Pyristat Powder. Ito ay kombinasyon ng Pyrimethamin
Hydrochloride, Sodium Sulfamonomethoxine na napatunayan nang mabisa
kontra malaria, at Vitamin K3 na tumutolong sa mabilis na blood
clotting upang madaling mapigilan ang pagdurogo.
Para sa manok na may avian malaria,
mag-halo lang 2 teaspoon Pyristat Powder sa isang galong tubig.
Maaring hatiin ang dosage kung konti lang ang may sakit na manok.
Ibigay sa loob ng 3 hanggang 5 araw.
Para sa wala pang malaria, preventive
medication ang dapat sa kanila. Maghalo ng 1 teaspoon Pyristat Powder
sa 1 gallon na tubig. Kung konti lang ang inyong manok, hatiin ang
dosage. Ibigay sa loob ng 2 magkasunod na araw.
Para sa manok na may coccidiosis, mag-halo lang 2 teaspoon Pyristat Powder sa isang galong tubig. Maaring hatiin ang dosage kung konti lang ang may sakit na manok. Ibigay sa loob ng 3 araw, skip 2 araw at bigyan ulit sa sunod na 3 araw.
Para sa wala pang coccidiosis,
preventive medication ang dapat sa kanila. Maghalo ng 1 teaspoon
Pyristat Powder sa 1 gallon na tubig. Kung konti lang ang inyong
manok, hatiin ang dosage. Ibigay sa loob ng 3 magkasunod na araw.
Sa avian malaria at coccidiosis,
maaring mamatay at mauubos ang ating mga manok. Dapat lagi tayong
handa. Siguradohing laging may stock ng Pyristat Powder sa ating mga
farm.
No comments:
Post a Comment