Ang carboloading ay ang pagbawas sa porsiento ng protina at pagdagdag naman sa porsiento ng carbohydrates sa pakain.
Sa lahat kasi ng pagkaing masustansya ang carbohydrates ang may pinakamataas na bahagdan ng enerhiya na pinakamabilis magamit ng katawan. Subalit hindi basta basta lang ang pagbigay natin ng carbohydrates sa manok lalo na't kung malayo pa ang laban. Dahil ang carbohydrates na hindi nasusunog ng katawan upang maging enerhiya ay nagiging fats o taba.
Ang taba ay ang magsisilbeng reserba ng katawan upang magamit kung sakaling kakailanganin. Ayaw nating tumaba ang ating manok. Kaya sa malayo pa ang laban ay di natin binibigyan ng maraming carbohydrates. Mas kailangan ng manok ang protina kaysa sa carbohydrates kung malayo pa ang laban, dahil ang protina ang nag dedevelop ng muscles.
Kaya itakda natin sa wastong panahon ang pagcarboloading. At, ito'y kung malapit na ang laban. Untiunti ang pag-carboload. Umpisahan natin ito sa pakain sa hapon dalawang araw bago ang laban. Ang ating halo sa pagkakataong ito ay 80% ng nakasanayang pakain at 20% cracked corn.
Isang araw bago ang laban sa umaga 60% ang nakasanayang pakain at 40% cracked corn. Sa hapon 40% na lang ang dating pakain at 60% na ang cracked corn. Kinabukasan ay araw na ng laban.
No comments:
Post a Comment