Kailangan kontrolado ang body moisture o ang pagkabasa ng katawan ng manok kung ito'y ilalaban. Ang sobrang tubig sa katawan ay pabigat at sagabal sa pagkilos ng husto. “Dryness for sharpness”, wika ng mga Amerikanong bihasa sa pagmamanok.
Subalit, tulad ng ano mang bagay, kung sobrang tuyo naman ang katawan, ito'y nakakasama dahil mawawalan ng lakas ang manok. At katulad ng sobrang basa ang katawan, ang manok na sobrang tuyo ay masamang mag “cut” at hindi madaling makapatay.
Ang pagkabasa ng katawan ay maaaring maitakda sa uri ng pagkain na ibibigay at pagkontrol ng tubig na pinapainom. Halimbawa ang puti ng nilagang itlog ay nakakadagdag ng body moisture. Ganoon din ang karamihan sa mga prutas. Ang pellets naman ay pangpatuyo. Tuktukang maige ang body moisture sa panahon ng pagpatuktok.
Praktikal lang ang pagkontrol ng moisture. Kung sobrang basa, huwag bigyan ng pagkain na makakadagdag basa, at limitahan natin ang tubig na pinapa-inom. Sa malayo pa ang laban ay babad ang tubig at hinahayaan natin ang manok na uminom hanggang sawa.
Pag palapit na ang laban ay kinukontrol na ang tubig. Ang ibang tagapagkundisyon ay inuumpisahan nilang kontrolin ang tubig dalawa o isang araw bago ang laban. Tayo sa araw ng laban kinukontrol ang tubig. May tiwala tayo sa manok, na alam nito kung ano ang mas nakakabuti sa kanyang sariling katawan.
Sa araw ng laban ay dapat pakialaman na natin ang manok kasi hindi kailanman alam o maiisip ng manok na may laban siya at dapat kontrolin ang pag-inom. Kung tuyo naman ang katawan, bigyan ng pagkain na makakadagdag moisture tulad ng puti ng itlog at prutas. At huwag limitahan ang tubig, maliban sa araw ng laban.
No comments:
Post a Comment