Tanong: Sir tanong ko lang po ano ang tamang pagpapalaki ng sisiw, sir at tamang pagkundisyon ng manok na panlaban? Salamat po. (03:41:42PM Apr-20-2007)
Sagot: Tulad ng napahayag na natin dito, ang masasabi ko ay napakahirap sagutin ang mga ganitong katanungan, lalo na't sa pamamagitan ng text. Hindi lang napakahaba ng sagot, napakarami pa.
Oo. Marami ang maaring sagot sa tanong na kung ano ang tamang pagpapalaki at pagkundisyon ng manok. Isa't-isa sa atin ay may sariling pamamaraan, may sariling simulain sa pagmamanok. At may sarili ding pamantayan.
Subalit, sa kabila ng lahat, may mga alituntunin o mga guidelines na gawin nating patnubay sa ating pagmamanok. Halimbawa, kalinisan, masaganang pakain, at pagmamahal. Ang mga ito'y dapat nating ibigay sa ating mga alagang manok, sa lahat ng pagkakataon. Sa pagmamanok ay walang “absolute right nor absolute wrong”.
Kahit anong gawin o at anong galing mo may pagkakataon na matatalo ka rin. Kahit hindi ka naman napakagaling may tsansa ka ring manalo. Walang perpekto sa sabong. Kaya huwag magasam na maging perpekto. Mahalin lang natin ang ating manok. Ibigay natin ang inaakda nating dapat ibigay. At mag-enjoy habang ginagawa natin ito.
Pinakamahalaga sa lahat dapat ang pagmamanok ay hindi pabigat sa bulsa. Ibig sabihin huwag sobrang gastos, huwag sobrang sugal.
Dito sa Sabong Guide, inilalathala natin ang isang school of thought na consistent at proven na sa industriya. In answer to your question, ang una mong gawin upang successful sa conditioning, pointing at pagmamanok in general is i-follow itong page at i-like ang aming Facebook para sa unlimited source of sabong literature na libre.