Tuyot na paa, pamumutla, pamamayat? Kadalasan po nating makikita ito sa mga junior stags at stags sa panahon ng tag-init. Ito po ay hindi simpleng sakit sa balat. Ito po ay sintomas ng mas mabigat na karamdaman. Ano ang pinagmumulan ng tuyot na paa? Ang pagninipis ng katawan ng junior stags at kanilang pamumutla? Ano ang tamang gamot dito? Ito pong lahat ay sanhi ng infection dala ng bacteria at protozoa at bulate. Maari ring sanhi ang kakulangan ng sustansya ng kanilang pagkain.
Paraan
ng paggamot
1.
Unang araw – Paliguan ang manok ng Wash-Out
Shampoo. Ihalo ang dalawang sachet sa isang galong tubig. Ito ay
parang ma preskohan ang manok at mapatay ang red mite, hanep at kuto.
Pagkaligo, supakan ang manok ng ½ CC Tape
Terminator sa bawat junior stag at ½ cc naman sa mga stags.
Ito ay direktang pagpupurga upang maiiwas sa mga bulate ang ating mga
alaga. Matapos purgahin ang mga manok, ay tuturakan naman natin
ng Trisullak
Anti-Microbial sa balikat. ¼ cc sa mga junior stags at ½
cc sa mga stags. Ito ay para maiiwas naman sila sa mga sakit na dala
ng mga mikrobyo.
2.
Ikalawa hanggang ikatlong araw – Painumin ng Pyristat
Powder na ihahalo natin sa inuming tubig (3 teaspoon per
gallon of water). Ito po ang kanilang pangontra sa malaria,
coccidiosis, at iba pang sakit dulot ng bacteria. Ating tandaan,
maari pong magkaroon ng mixed infection ang ating manok panabong ng
bacteria, bulate, at protozoa. Para po ito ay maiwasan, bigyan po
natin sila ng preventive medication. At bukod po dyan ay meron tayong
isasabay na gamot dalawa hanggang apat na araw.
3.
Ikaapat na araw – Magbigay ng Doxylak
Caplet ½ caplet per junior stag and 1 caplet per stag
tuwing hapon sa loob ng tatlong araw. Ang Doxylak ay anti-biotic na
pangontra sa kulong na sipon. 4. Ikalima at Ikaanim na Araw –
Tuturokan natin ng Thiabex XS (B Complex + Liver Extract) sa pakpak
at balikat. Sa mga junior stags ¼ cc ang ibibigay natin at sa mga
stags naman ay ½ cc. Ang Thiabex XS ay mabisang pang-iwas sa anemia.
Additional
Supplementation
1. Viminolak
Iron Cell – Junior stags 2 teaspoon per 1kg feeds. Ibigay
for 2 days per week for 1 month. Ito ay tulong pampalakas,
pampasigla, pampataas ng resistensya sa ating mga alaga. At bilang
karagdagang sustansya ng stags haluan ng ½ teaspoon Pit Fighter
Protein Expander Pellet ang patuka sa loob ng 3 to 4 weeks. Ito naman
ay ginagawa natin upang ma develop ng husto ang muscle ng ating stag
at para di sila magkaroon ng sapula (taba). Ang tuyot na paa ay
naghuhudyat ng ibat-bang klaseng sakit.
No comments:
Post a Comment