Official Facebook Page

Tamang paraan ng pagpupurga ng manok



Namamayat, nanghihina at namumutla? Kapag laging ganito, baka mauwi lang sa lahat ang pinakain nyo sa kanila. Ito ang masamang epekto ng bulate sa katawan ng manok. Ano ang dapat nating gawin at saan ito nakukuha?

Ang mga sisiw sa range ay madaling makakuha ng bulate sa kanilang pagkain at inumin. Maraming klase ng bulate. Sa mga sisis, ang kadalasang umaatake ay roundworms, tape worms, cecal worms, gape worms, gizzard worm, at thread worm. Ang mga bulate ay sumisipsip ng sustansyang dapat ay para sa ating mga manok. Kaya imbis na nakikinabang ang manok sa sustansya ng kanilang kinakain, bulate ang lumalake.

Gallos Finos Gamefowl Supplies Online Store



Ating irerekomenda ang pagpupurga minsan sa 1 buwan para sa mga sisiw sa range, at tuwing 1 o 2 buwan naman sa mas may edad na manok. May iba-ibang klase ng pagpurga. Ito ay depende sa edad ng manok at depende sa klase ng bulate.

Kung sisiw ang pag-uusapan, Bastonero ang sagot dito. Pwede din gumamit ng Vermex ECO. Ang VERMEX ECO ay Piperazine Citrate in granular form. Ito ay mabisang panlaban sa mga bulate sa mga sisiw sa range particular na ang roundworms.

Maghalo lamang ng 1 hanggang 3 teaspoon Vermex Eco sa 1 gallon na tubig sa loob ng 2 araw sa mga sisiw sa kanilang edad 3 weeks, 2 months at 3 months. Importante na bagong templa ang ipaiinon sa kanila.

Para sa mga manok na may edad 4 buwan hanggang 5 buwan, Tape Terminator ang sagot dito. Ang Tape Terminator ay pinagsanib na lakas ng Praziquantel at Levamisole Hydrochloride. Epektibo kontra tapeworm, cecal worm, gapeworm, gizzard worm at threadworm.

Para sa mga sisiw na may edad 2 hanggang 3 buwan, maghalo ng 2 teaspoon sa isang gallon tubig. Ibigay sa 2 magkasunod na araw. Para naman sa mga manok na may edad 4 hanggang 5 buwan, maghalo ng 3 teaspoon sa isang gallon tubig at ibigay sa loob ng 2 magkasunod na araw. Purgahin sila buwan-buwan.


Ang mga bulate ay peste. Dapat gawing regular ang pagpupurga sa farm.

Paano Agapan ang Avian Malaria at Coccidiosis




Kapag hindi ito maagapan, maaring tamaan ang buong populasyon ng iyong manukan. Saan galing ang mga sakit na ito? At paano natin ito maiiwasang kumalat?

Ang avian malaria ay sakit na dulot ng plasmodium gallinaceum na nakukuha sa kagat ng infected na lamok. Kung manok ay:

  1. Namumutla
  2. Nanghihina ang paa
  3. Nanunuyot ang binti at paa
  4. Maberde o brownish ang kulay ng ipot

Isa lamang ang ibig sabihin nyan. May malaria ang manok na iyan.

Bukod sa avian malaria, may isa pang sakit ang dapat nating iwasan ay ang coccidiosis. Ito ay dala ng coccidia na nakukuha sa infected na pagkain at tubig.

Mga sintomas ng coccidiosis:

  1. Namamayat
  2. Walang gana
  3. Lulugo-lugo
  4. Nagkukumpulan
  5. Maduming balahibo sa puwet
  6. Matubig o may dugong ipot

Ang epektibong gamot ng avian malaria at coccidiosis ay Pyristat Powder. Ito ay kombinasyon ng Pyrimethamin Hydrochloride, Sodium Sulfamonomethoxine na napatunayan nang mabisa kontra malaria, at Vitamin K3 na tumutolong sa mabilis na blood clotting upang madaling mapigilan ang pagdurogo.

Pyristat 7g x 48 | Lazada Philippines

Para sa manok na may avian malaria, mag-halo lang 2 teaspoon Pyristat Powder sa isang galong tubig. Maaring hatiin ang dosage kung konti lang ang may sakit na manok. Ibigay sa loob ng 3 hanggang 5 araw.

Para sa wala pang malaria, preventive medication ang dapat sa kanila. Maghalo ng 1 teaspoon Pyristat Powder sa 1 gallon na tubig. Kung konti lang ang inyong manok, hatiin ang dosage. Ibigay sa loob ng 2 magkasunod na araw.

Para sa manok na may coccidiosis, mag-halo lang 2 teaspoon Pyristat Powder sa isang galong tubig. Maaring hatiin ang dosage kung konti lang ang may sakit na manok. Ibigay sa loob ng 3 araw, skip 2 araw at bigyan ulit sa sunod na 3 araw.

Para sa wala pang coccidiosis, preventive medication ang dapat sa kanila. Maghalo ng 1 teaspoon Pyristat Powder sa 1 gallon na tubig. Kung konti lang ang inyong manok, hatiin ang dosage. Ibigay sa loob ng 3 magkasunod na araw.

Sa avian malaria at coccidiosis, maaring mamatay at mauubos ang ating mga manok. Dapat lagi tayong handa. Siguradohing laging may stock ng Pyristat Powder sa ating mga farm.





Diagnosis sa Pamamagitan ng Ipot

Bloody diarhhea o coccidiosis? Pasteurollosis? Collibacillosis? Salmonellosis? Avian mallaria? Worm infestations? Ano ang common denominator ng mga sakit na ito? At gaano kalaki ang epekto kung hindi natin ito maagapan? Ano ang dapat nating gawin?

Ang tuka ng manok ay kung saan papasok ang pagkain. Pag lalabasan ng laway, mabilis itong malulunok at ito'y tumutoloy sa esophagus na siyang dinadaanan ng pagkain papunta sa crop. Ang crop ang nag-iimbak ng di pa tunaw na pagkain hanggang papunta na ito sa tiyan.
Gamefowl Digestive System
Ang stomach acid ay nagdudurog sa mga pagkain na di nadurog ng tuka or bibig ng manok. Mula rito ay pupunta ito sa proventriculus na siyang tunay na tiyan ng manok. Dito ay lumalabas ang digestive acid na tumutunaw sa pagkain. Karugtong din nito ang esophagus at ang balun-balonan o gizzard. Ang gizzard ay dumudurog at tumutunaw sa pagkain na di kayang tunawin ng proventriculus.

Ang maliliit na bituka ay tumutulong naman sa pagtunaw ng mga sustansya tulad ng sugar, fats at vitamins. Ang malaking bituka ang imbakan ng dumi at ito rin ang naglalabas ng nasabing dumi. Ang cloaca naman ay nasa puwet ng manok at dito nakatabi ang dumi hanggang sa mailabas ito. Ang sakit sa digestive system ng manok ay nakikita sa kulay at consistency ng kanilang ipot o dropping.

Kapag ang ipot ay malabnaw at may kasamang dugo, ang manok ay may bloody diarhhea o coccidiosis at maaring magpabalik-balik. Ang isa pang sakit sa digestive sytem ng manok na makikita naman sa kanilang mala berdeng (greenish) droppings ay ang avian malaria. Ang avian malaria ay dala ng lamok na infected ng Plasmodium Gallenaceum.

Ang mabisang gamot sa coccidiosis o avian malaria ay ang PYRISTAT POWDER. Kumbinasyon ng Pyrimethamine Hydrochloride, Sodium Sulfaquinoxaline at Menadione (Vitamin K3). Para sa mga sisiw. Maghalo ng isang sachet ng Pyristat Powder (2 teaspoon) sa limang galong tubig sa loob 2 to 4 araw. Ulitin tuwing makalawang buwan (2 months) sa loob ng anim na buwan.
Sa mga breeders or cocks, magbigay ng isang sachet sa limang galong tubig sa loob ng apat na araw.dalawang magkasunod na araw. Kapag ang droppings ay maputi or madilaw at may kabaho-an ang amoy ang manok ay may pasteurollosis o collibacillosis o kayay salmonellosis. Ang pasteurulosis o fowl cholera ay ang matinding diarhhea dala ng bacteria pasteurella multocida at ito ay madaling makahawa o makamatay.

Ang collibacillosis ay dulot ng bacteriang e.coli at ito ay kadalasang dahilan ng matinding diarhhea ng mga sisiw at maaring sanhi ng intestinal infections at bandang huli, kamatayan. Ang salmonellosis naman ay dala ng bacteriang salmonella at siyang sanhi ng abdominal distress at diarhhea at maaring kumalat sa dugo at internal organs ng manok.

Ang kanilang droppings ay maberde o madilaw at kadalasang may kasamang dugo. Ang sakit na ito ay nakamamatay rin. Sa tatlong ito—pasteurollosis, collibacillosis or salmonellosis, iisa lang ang gamot dito—TRISULLAK CAPLET. Sa mga sisiw, magbigay ng isang sachet at ihalo sa isang galong tubig at ibigay sa loob ng tatlo hanggang limang araw. Sa mas malaking manok, magbigay ng isang caplet sa bawat apektadong manok sa loob ng 3 to 5 araw.


Worm Infestation

Ang pesteng bulate na kadalasang tumatama sa ating manok panabong ay ang pinworm, roundworm, tape worm at hair worm. Ang sagot natin dyan ay VERMEX Tablet at TAPE TERMINATOR. Ang vermex ay pinagsamang bisa ng niclosamide at levamisole. Napatunayan na mabisa sa round worms, pin worms at hair worms sa mga manok. Bukod sa mabisa, hindi na kailangang i-fasting ang manok panabong bago ito ibigay.


Vermex Tablet | Lazada Philippines

Para sa manok na may edad 4 hanggang 6 na buwan. Isubo ang kalahating capleta ng Vermex. Gawin ito tuwing ikalawang buwan. Para naman sa manok na mahigit na 6 na buwan ang edad. Isang buong Vermex Caplet ang ibigay. Ulitin ito tuwing ikalawang buwan. Kung liquid dewormer naman po ang ating kailangan. Ibigay po nating ang Tape Terminator na may bisa ng praziquantel at levamisole hydrochloride. Kontra round worms at tape worms sa manok.


Para sa mga sisiw. Edad 2 hanggang 3 buwan. Maghalo ng isang kutsarita (1 teaspoon) sa isang galong tubig. Sa edad 4 hanggang 5 buwan, maghalo ng dalawang kutsarita (2 teaspoon) sa isang galong tubig. Ibigay sa 2 magkasunod na araw. Purgahin sila tuwing ikalawang buwan upang maiwasan ang pabalik-balik na bulate. Sa mga stags at breeders. 1 hanggang 2 cc kada ulo. Sa bullstags at cocks, 2 cc kada ulo.

Sa Tape Terminator, matatanggal natin ang tape worms at round worms.


This article is sponsored by Gallos Finos Gamefowl Supplies, para sa kumpletong gamot at supplements ng manok panabong.



Tuyot na Paa


Tuyot na paa, pamumutla, pamamayat? Kadalasan po nating makikita ito sa mga junior stags at stags sa panahon ng tag-init. Ito po ay hindi simpleng sakit sa balat. Ito po ay sintomas ng mas mabigat na karamdaman. Ano ang pinagmumulan ng tuyot na paa? Ang pagninipis ng katawan ng junior stags at kanilang pamumutla? Ano ang tamang gamot dito? Ito pong lahat ay sanhi ng infection dala ng bacteria at protozoa at bulate. Maari ring sanhi ang kakulangan ng sustansya ng kanilang pagkain.




Paraan ng paggamot

1. Unang araw – Paliguan ang manok ng Wash-Out Shampoo. Ihalo ang dalawang sachet sa isang galong tubig. Ito ay parang ma preskohan ang manok at mapatay ang red mite, hanep at kuto. Pagkaligo, supakan ang manok ng ½ CC Tape Terminator sa bawat junior stag at ½ cc naman sa mga stags. Ito ay direktang pagpupurga upang maiiwas sa mga bulate ang ating mga alaga. Matapos purgahin ang mga manok, ay tuturakan naman natin ng Trisullak Anti-Microbial sa balikat. ¼ cc sa mga junior stags at ½ cc sa mga stags. Ito ay para maiiwas naman sila sa mga sakit na dala ng mga mikrobyo.
 Tape Terminator 60ml | Lazada Philippines
Tape Terminator




2. Ikalawa hanggang ikatlong araw – Painumin ng Pyristat Powder na ihahalo natin sa inuming tubig (3 teaspoon per gallon of water). Ito po ang kanilang pangontra sa malaria, coccidiosis, at iba pang sakit dulot ng bacteria. Ating tandaan, maari pong magkaroon ng mixed infection ang ating manok panabong ng bacteria, bulate, at protozoa. Para po ito ay maiwasan, bigyan po natin sila ng preventive medication. At bukod po dyan ay meron tayong isasabay na gamot dalawa hanggang apat na araw.
 Pyristat Powder | Lazada Philippines



3. Ikaapat na araw – Magbigay ng Doxylak Caplet ½ caplet per junior stag and 1 caplet per stag tuwing hapon sa loob ng tatlong araw. Ang Doxylak ay anti-biotic na pangontra sa kulong na sipon. 4. Ikalima at Ikaanim na Araw – Tuturokan natin ng Thiabex XS (B Complex + Liver Extract) sa pakpak at balikat. Sa mga junior stags ¼ cc ang ibibigay natin at sa mga stags naman ay ½ cc. Ang Thiabex XS ay mabisang pang-iwas sa anemia.




Additional Supplementation



1. Viminolak Iron Cell – Junior stags 2 teaspoon per 1kg feeds. Ibigay for 2 days per week for 1 month. Ito ay tulong pampalakas, pampasigla, pampataas ng resistensya sa ating mga alaga. At bilang karagdagang sustansya ng stags haluan ng ½ teaspoon Pit Fighter Protein Expander Pellet ang patuka sa loob ng 3 to 4 weeks. Ito naman ay ginagawa natin upang ma develop ng husto ang muscle ng ating stag at para di sila magkaroon ng sapula (taba). Ang tuyot na paa ay naghuhudyat ng ibat-bang klaseng sakit. 


 Viminolak Iron Cell 30ml | Lazada Philippines


Vitamin Deficiency ng Manok



Gallos Finos Gamefowl Supplies Online Store

Matamlay, walang ganang kumain, namamayat, nanghihina. Bakit sila nagkakaganito? Ano ang kulang sa kanila? Tatagal pa kaya ang kanilang buhay? Ano ang pwede nating gawin sa mga nakaambang panganib sa buhay ng sisiw?

Paglaban sa Vitamin Defficiency

May mga pagkakataon na ang ating mga sisiw ay namamayat at laging nanghihina. Kapag di naagapan, bababa ang kanilang resistensya at madaling dadapuan ng mga sakit. Habang bata pa, sila ay bigyan ng multivitamins at amino acids tulad ng Laktamino XE. Ito ay may kumpletong sangkap ng bitamina tulad ng Vitamin A, D3, E, B Complex, C, Lysine HCI at Methionine. Kailangan ito ng ating mga sisiw upang sila ay lumaki ng maskulado, malakas at matibay sa sakit.



Maghalo ng 1 teaspoon Laktamino XE sa 1 gallon tubig na inumin. Kung hindi karamihan ang inyong sisiw maaring konti lamang ang inyong timplahin. Ibigay for 2 days sa mga sisiw na may edad 2 weeks at 6 weeks. Ulitin bawat buwan. Maninam na laging bago ang ating ipainom sa kanila.

Paminsan-minsan napapansin natin ang manok ay namumutla. Tiyak ito na may anemia. Mabagal ang paglaki at madaling kapitan ng iba pang sakit. Ang supplement dito ay Viminolak Iron Cell. Kumpleto sa vitamins at minerals. Tiyak sisigla ang manok mo.

Ang Viminolak Iron Cell ay may 21 bitamina at mineral na tumutolong sa maayos na paglaki ng ating mga sisiw. May Vitamin A, B Complex, D3, K3, Ferrous, Zinc, Magnesium, Manganese, Copper, Cobalt, Cobalt Sulphate, Potassium Chloride, Potassium Iodide, Selenite, Biotin, Calcium Pantothenate, Choline Bitartrate at Folic Acid.

Napakadaling gamitin ang Viminolak Iron Cell. Para sa mga sisiw na may edad 6 na buwan. Maghalo lamang ng isang kutsarita sa ½ kilo ng pagkain. Ibigay sa loob ng dalawang araw. Pampalaki, pampalakas ng resistensya at pangontra sa stress at anemia. Yan ang Viminolak Iron Cell ang Red Face Enhancer.



Tandaan po natin, ang malakas na sisiw ay lalaking malusog na game fowl.





21 Days KEEP ng Manok

Lazada Gamefowl Supplement Store Preconditioning Phase DEWORM  Astig Tablet - 1 Tablet (5:00 in the morning)  Oxy Rid - 1 Drop per eye  DELO...

Derby Pills Official Store